Presidential PressCon – April 9, 12AM (kaloka)



(So siyempre tulog na kayong lahat wala na babasa nito pinaghirapan ko pa naman 2 hours ko ginawa. Anyway ito yung pinaka may sense na address for me. I think alam ko na kung nasan yung pera. Haha.)
1. We are meeting for the Nth time mga kababayan, madami pa’to.
2. COVID lang paguusapan natin dito.
3. DSWD na sasagot ng mga tanong niyo. May presentation ang DSWD.
Turn over to Bautista.
4. Bautista: Magandang Hapon! (ay midnight napo)
5. Nung dumating yung P100Billion, 3-5 days, naibaba na yung ayuda. Walang problema kasi may credible list na tayo, every month na sila nakakatanggap.
6. Naibaba na sa LGU ang amelioration. Dito nagkaproblema. Kasi ang listahan, hindi available. Ang inexpect namin, alam ng LGU ang kanilang constituents, alam nila ang profile – names, work and other livelihood. Dahil hindi nila kabisado, dito na nagkaproblema. Pero walang perfect. Hopefully in due time, ma distribute na ang cash amelioration orderly.
7. Ang cash amelioration program ay intended sa pamilya so ibig sabihin, isang head of the family. 1 family – P5,000 to P8,000. Pag di na-validate ang isang pamilya, may duplication so mababawasan ang beneficiaries kung hindi nabantayan. 1 ayuda lang dapat.
8. Alam naman natin na may pagkakataon na mawawala ang pera kaya kailangan may taong sasagot kung sakaling hanapin ang pagkukulang na pera. (DUH. Kung sakali lang hanapin?)
9. Dapat nakabantay tayo. DAPAT LUMAKAS ANG ATING MGA BOSES. Dahil ang Social Amelioration Program ay people’s money coming from the people’s tax hindi para sa mga taong iniisip lang ang kanilang sariling interes. (Cavite, holler!)
10. My advice – this is not the time for blame game (eh kakasisi mo lang sa mga LGU Secretary!)
11. Tulad ng sabi ng Presidente, this is an opportunity for us to show our people that we are worth a public servant (ha?) Yun lang. Ang DSWD tutulungan ang ating mga LGU para mapabilis ang ayuda.
Back to Duterts.
12. Duterte (now wearing a mask) – ok sa Department of Defense naman tayo. Pasok, Lorenzana.
Mag mask ka para lone ranger tayo. (LOL)
Turnover to Lorenzana
13. Lorenzana: Ako po yung Chairman ng National Task Force ng CUVID-19.
14. Naayos napo natin ang supplies ngayon. Nakahabol napo ang ating PPEs na pinamili ng DOH mula Tsina. Halos araw-araw ang hakot. Kami rin nagdidistribute sa mga hospital sa Maynila at probinsya.
15. Naghahanap kami ng mga lugar na pwedeng isolation wards sa mga may CUVID. World Trade, PICC, etc. Handa na yan. Nagpunta kami sa Iglesia ni Cristo. Salamat Kapatid na Manalo. 2000 beds.
16. Wag kayo magalala, kami bahala sa mga gagawin sa lupa. (bakit may access ba sa langit?)
Back to Duterts.
17. Duterte: Galvez, pasok!
Turnover to Galvez.
18. Galvez: on track ang National Action Plan. Lumalakas na ngayon ang DOH. Ang testing ay tumataas na ngayon na 2400. 11 na ang accredited testing center, may walo pa nagaapply.
19. Napakaganda ng nagawa nating lockdown. Dahil napush ang curve ng 1 month delay. Napakagandang balita dahil may 11 recoveries tayo ngayon. Sa ibang bansa napakataas ng death rate. Sa atin hindi tumataas ng trenta.
20. Napakaganda ng ating preparasyon kumpara sa ibang bansa (sir yung bangko niyo po.) Ang Japan napakayaman, ang kanilang health services hindi maka-accommodate. Same sa Singapore, nakita natin na napakaganda ng desisyon ng ating mahal na Pangulo na tayo ang pinakauna na nagkaroon ng yung travel ban, our hard decision is paving the way for good results we are having now. Yun lang po.
Back to Duterts
21. Duterte: Duque naman.
Turn over to Duque.
22. Duque: Salamat sa suporta ng Pangulo kaya marami tayong tagumpay. Di ko na uulitin yung mga nasabi nila. Kilalanin natin ang healthcare workers, frontliners. Saludo kami lalo na sa na nagbuwis ng buhay. Ito lang masasabi ko, walang katumbas ang inyong kabayanihan at sakripisyo. Hindi kayo pababayaan ni Pangulo.
23. Ito lang ang masasabi ko, kung ihahambing natin ang bilang ng may impeksyon sa Pilipinas, ay isa tayo sa pinakamababa sa 3764. Kung ihahambing natin sa mayayamang bansa, ay di hamak malayong malayo po ang ating ranggo sa COVID World Tracker (ay contest ba ito?)
24. Ito ay nagsasalamin sa mga desisyon na ginawa ng ating mahal na pangulo. 2 napakamalakas na desisyon – yung travel restriction doon sa manggagaling ng bansang China noong Pebrero, at pangalawang napakalakas na desisyon ng Pangulo ay ang pag-lockdown. Yan ang dalawang dahilan kung bakit ang bilang ng COVID infection sa Pilipinas ay mababa talaga compared sa ibang banda.
Back to Duterts.
25. Duterte: Secretary Dominguez, you have said a lot but give a statement.
Turn over to Dominguez.
26. Dominguez – in terms of the economy, nung pumasok kayo nung 2016, ang order niyo ho sa akin is to manage the economy for the welfare of the people. Ibig sabihin lahat ng collection ng taxes should be collected efficiently at wag magwaldas ng pera. So ang resulta, maganda ang posisyong ng economy natin kaya kahit meron tayong bad luck sa COVID, very well-prepared tayo.
27. 6.4% growth tayo from 2016. Yung koleksyon natin ng income ng government is the highest in 22 years. Ang utang natin has gone down to the lowest it has been in terms of percentage to GDP. Bumaba na inflation natin.
28. Itong COVID natin, ang GDP growth natin will be 0 or -1 %. Ang temporary unemployment will be 1.2Million workers. But this is in comparison to the lowest unemployment rate ever achieved in the Philippines.
29. We will be spending more than we are collecting. But we are spending more to save the people.
30. We have a program to borrow more money to support the economy and fight against this COVID. Right now tina-tap natin ang mga kaibigan sa ADB saka sa World Bank and we will probably be borrowing 5.6Billion USD. Kung kulang pa, sa commercial market. BB+ ang credit rating natin, the highest ever.
31. We have the financial capability to bridge the problem that COVID brought us. We want to assure the citizens that we have the money. Pero hindi endless ang pera.
32. So Mr President, you have created an economy that can stand a hard hit and I think the Filipino people should thank you.
Back to Durterts.
33. Duterte: Before we end, ako na mag-recap kung ano mga pinagdadaldal namin dito. (mas mahaba pa yung recap sa lahat ng sinabi)
34. Maraming report sa akin na yung mga nagungupahan sa bahay ay being pressured to pay. Alam mo lahat tayo nawalan ng income. So I’d like to ask the owners, wag muna hingin kasi wala talaga.
35. Gusto ko niyo maintindihan, yung pinagdadaldal ng Kongresman na ulol, torpe, na may 300Billion na binigay ang kongreso, hangin ho lahat yan. Wala pa yang pera na yan dito.
36. Yung 300Billion yan yung buffer na pera bago tayo umalis sa gobyernong ito. Yung ang totoo jan.
37. Yung pera na sinasabi nitong ulol, pagkatorpe. I think your brain is melting. San ka nagaral ewan ko.
38. Yung budget na nakahanda, magbabago na yon. Magastos itong putanginang kalaban na ito.
39. Yung mga nagbibiro sa akin sa Facebook, yung mga pinapaalis ako wala kasi akong solusyon, oh sige tama, ikaw na ang Presidente.
40. Tangina. We are trying our best.
41. Yung 300Billion, kokolektahin pa yan kasi wala pa. Wag mo sabihin saan ang pera na 300Billion? Ewan ko kung kaninong bayag mo yan makuha.
42. Magkokolekta pa ako. Ngayon masusunod ba koleksyon mo? Hinde. Kasi wala na ang ekonomiya. Patay ang negosyo, walang nagbayad.
43. Ang gobyerno hindi nagiimprenta ng pera yan, ang gobyerno mo gagastos lang according to the economy.
44. Makinig kayo wag kayo makinig sa idiots because we are not only trying to save the economy, but also the country.
45. If you decide to listen to the insane, eh di doon kayo.
46. Nakikita ko na noon pa, itong COVID sinusundan ko talaga. Ako ang pinakaunang lahat nag lockdown kasi nasusundan ko na ang istorya. Nagbabasa ako ng different sources of knowledge – Facebook, everything.
47. Kaya mga nagpaparenta, wag kayo magmadali. You’re not even sure if you’ll be around to collect the money. Pag sinara niyo yung bahay, sasabihin ko buksan niyo uli yung bahay, papasok uli yung pamilya.
48. Hindi ko gusto ng anarchy pero this time makialam ako sa lahat ng opisina. Kapag inevict mo yang tao, magsasalubong tayo. Pupunta talaga ako sasabihin ko ibalik mo yung tao. Kung hindi mo gusto tumulong sa mga tao, sunugin na lang natin mga apartment mo tutal may bumbero.
49. Ayoko magsalita na parang holdupper ako. But if you interpret it that way, holdupper talaga ako.
50. Nahihirapan ako magsalita kasi ang sikip. Lahat sila nakamaskara. Nahihiya naman ako kasi ako nagorder wag kayo lumabas walang maskara tapos ako lang hindi so binigyan ako ng mga sundalo pero binigay nila yung para sa mataas na ilong, eh putangina kaya nahulog kasi wala akong ilong. (laughter in the plenary)
51. May pumapasok naman sa butas leche baka labas pasok COVID sa mukha ko.
52. Nagmamakaawa ako, wag niyo pilitin ang mga tao magbayad ng renta, kasi mageengkwentro tayo. Hindi talaga ako papayag.
53. Ito ang totoo. Hanggang walang vaccine, COVID stays. Kung wala pa vaccine sa Christmas, sabay sabay na tayo sa holdupper. Pareho na lahat. Tangina naiinis ako eh.
54. Sabi ni Sonny maraming pera. Maraming nagpapautang satin. Siya naman sasagot diyan eh. Pero classmate ko yan. Since kindergarten.
55. What is the end game – mauubos talaga ang pera. Ipagbili ko lahat ng lupa ng gobyerno. Yang cultural center, yang PICC, totoo. Pag wala na ako makuha, I will sell all the assets of government tapos itulong ko sa tao.
56. Importante maintinidhan niyo yan eh. Kesa sa mga text saan na yung 300Billion? Hangin yan.
57. Ako magbigay sa inyo ng hope. Habang nandito ako, ibibigay ko sa inyo yan. Do not worry about the money.
58. May leksyon talaga ang buhay. Ang pinagdadasal ko number one, lahat ng nasa ospital ngayon.
59. Ang COVID, hindi yan nana, hindi yan sugat. Hangin yan.
60. Matanda, bata, babae, lalake, pag nagsurvive ka ng COVID yung anti-bodies mo sa veerus, nasa iyong katawan, hindi antibiotics, hindi biogesic. Katawan mo mismo ang magproduce ng mga sundalo kakalaban sa COVID.
61. Kaming matatanda ang vulnerable.
62. So ano ang solusyon, Duterte? Mayor? Bakuna! Kagaya ng kagat ng aso. Pag nakagat ka ng buang na aso. Pag di ka nainjectionan ng anti-rabies, you will die. Sigurado yan. Yung sa COVID, hindi siya rabies. Yung mga tao may resistance, yung matatag. Yun yung mga tao na nanjan sa daan. Hindi ko kayo iniintriga ha. Nahigop na siguro lahat na ‘yan kaya matatag sila.
63. Yung iba genetics. In the meantime, let’s help each other. You can keep criticizing pero alam ng Pilipino ano itong COVID at ano ang hakbang ng gobyerno kung saan yung pera.
64. Hoy ugok. Wala pa yan. Kokolektahin pa yan.
65. Yung ginagamit yung sinabi ko kay Secretary Dominguez, magipon ka for the rainy days. Dumating nga talaga sa buhay natin. Hindi rain, bagyo.
66. Yung mga nagmamarunong, they can come here and I can turnover, sila ang magpatakbo.
67. Maraming salamat po Pilipino. Ako po ay inyong utusan. Lahat kami dito.
***Ok sa kaka-summarize ko ng speeches, mejo naiintindihan ko na si P.Duts, haha. Expert level na pagka gets ko sa kanya. Kailangan lang mejo lasing ka rin habang nanonood. In fair nasagot yung mga matagal ko na tanong. Yung mahigit isang oras na pajuliet juliet, kaya ko i-summarize in 5 salient points. (sana di ako napuyat diba, ako na lang nagedit, nag segment producer naman ako dati)
- Yung pera na P275 Billion, para sa amelioration saka sa pagkain. The money is yet to be collected in the coming quarters through taxes and income from government assets. So ang pera na pinamimigay ngayon is from the budget prepared last year and the savings of the Department of Finance from projects that didn’t push through because hindi matatapos within his term.
- Kung maubos yon, maraming mauutangan kasi B+ ang credit score natin. $5.6Billion USD ang uutuangin natin. If magtagal pa rin ang COVID, ibebenta na niya mga property ng gobyerno. Yung opposition ang papanego niya.
- Yung COVID, vaccine lang ang solusyon. Makukuha yon sa mga antibodies ng mga gumaling na sa COVID. And usually, kung hindi siya genetics, yung mga mahihirap na sanay na sa kalye ang may very strong antibodies kaya wala mashadong tinatamaan na mahihirap ng COVID kasi sanay ang pangangatawan nila sa impeksyon.
- Tas paulit ulit na sinasabi niya. Wag palayasin yung mga hindi makabayad ng renta kasi this is not the time para isipin mo kumita. Kailangan magtulungan kasi pare pareho tayong walang pera.
- And finally, may Facebook si P.Dutz. May time siya magbasa. So baka nababasa niya ites.

Gitri San Diego 
Tags: , , , , , ,

About Filipino Worldwide Bloggers

(FBW) started as a Facebook group on November 1, 2011 as Filipino Bloggers Around the World. As the name implies, the purpose is to unite all Filipino Bloggers around the world.

0 comments

Leave a Reply

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...