Epileptic Father Looking for Daughter


An anonymous concern citizen posted this on Facebook, shared by Pinoy Rap Radio on March 1, with 122,805 share and 81, 449 as of this writing. A story of an epileptic father who keep waiting for her daughter who abandoned him. Hopefully, Antonio Tapales Terrado, of  Tapulao, Orani, Bataan will reunite with his daughter.

February 16, 2014, nakaduty ako sa trabaho, bandang tanghalian May pumasok na matanda at umorder ng pagkain, pagkalapag nya ng kanyang pagkain sa lamesa bigla syang bumagsak, tinulungan sya ng isang manager at crew namin para iupo, nakita ko na pipikit pikit sya, inaalog ang ulo at pinipiga piga ang mga palad, lumapit ako para kamustahin at asikasuhin sya, madami namang nagpakita ng malasakit at gustong tumulong, binalak namin syang dalin sa pinakamalapit na ospital para makunsulta ng doktor, pero tumanggi sya dahil nahihirapan sya, sinabi nya na hayaan lang daw muna namin sya,kinuha nya yung kutsara at binalot sa bimpo at kinagat, humiga sya sa sahig, bigla syang nangisay, dun namin nalaman na epeleptic pala sya at alam nya ang ginagawa nya, kaya hinawakan lang namin ng mahigpit yung kamay nya at hinintay na matapos yung atake nya. Nung medyo mabuti na ang lagay nya tinanong ko sya kung may gamot ba sya, sabi nya wala na daw at wala na syang pera,nagmagandang loob na ko na ibili sya ng gamot "dylantine 100 mg" (soundslike lang kasi mahinang mahina ang boses nya) pagkatapos nyang uminom ng gamot dun ko na sya tinanong kung taga saan sya at bakit wala syang kasama gayung ganun ang kondisyon nya. Sinabi nya na taga bataan sya at walang kilala dito sa BALIUAG,BULACAN,nagtungo daw sya dito para makipagkita sa kanyang anak na si "LEAH TERRADO". February daw ng iwan sya ng kanyang anak para sumama sa karelasyon nito,may tumawag daw sa kaibigan nya na nagpakilalang kaibigan ng anak nya na pumunta sa simbahan ng St. Agustine church sa Baliuag at doon sya susunduin ng kanyang anak. Pero buon umaga hanggang tanghalo hndi daw sya sinipot ng kanyang anak, at ilang beses na daw ginawa sa kanya ng anak nya to.sinabi daw sa kanya na wala na syang pakinabang at pabigat lamang, byudo na si Tatay kaya yung anak na lamang nya ang kanyang inaasahan, ngunit iniwan pa daw sya nito. Walang wala ng pera si Tatay at wala syang cellphone o numero na alam na pwedeng tawagan, wala din syang kilala dito sa baliuag.sa tulong ng ibang mga katrabaho ko na nagmagandang loob, binigyan namin sya ng pera na sobra pa para makauwi sa Bataan,at pinabaunan ng pagkain at tubig, tumutuloy daw sya sa kaibigan nya sa Bataan na sa si ROJELLO LUWALHATI. (UMIIYAK SYA HABANG NAGKUKWENTO) Bumalik muna sya sa simbahan at umasang baka puntahan pa sya ng kanyang anak.ipagdasal na lang po natin sya.Hindi po pulubi si Tatay Antonio, nung unay tumatanggi talaga sya na tanggapin yung pera, nagmagandang loob lang po ako na tumulong dahil one way lang ang pera nya dahil umasa sya na susunduin sya ng anak nya. Di ko sya naturn over sa police or sa kahit anong government aid kasi nakaduty ako, yun na Lang po tlga ung magagawa ko para tulungan sya, saka Ang ikalat yung story nya.kailangan ko sumunod sa rules ng trabaho ko, isa pa po nag-insist sya na bumalik sa simbahan at maghintay pang ilang oras.

Nagpaalam po ako sa kanya kung pwede kong picturan ang ID at sarili nya para ipost dito sa facebook. Umaasa po ako na sana binalikan sya ng anak nya, o kung hindi man ay makauwi sya ng maayos sa kaibigan nya sa Bataan. Sana po tulungan nyo ko na ishare yung storya nya baka sakalaing makatulong tayo kahit papaano.

Wag po natin hayaan na mangyari ito sa mga magulang natin, kahit anong mangyari sana wag natin silang iiwan.
Para po kay tatay ANTONIO TAPALES TERRADO.

Please wag din po natin basta basta i-judge yung anak nya, this was only based on tatay ANTONIO's side. Di natin alam pinagdadaanan nila, pero totoong kahit ano pa ang nangyari, sa pagkakakilala ko kay tatay ANTONIO, alam kong totoo sya, hndi nya deserve na abandunahin lalo na sa kalagayan nya.

Di na po ako magpapakilala.
Concern citizen lang po.
Sana po Pakishare po sa wall nyo and sa mga pages nyo or any pages na sikat para mabilis kumalat at makarating sa mga nakakakilala Kay Tatay Antonio.
Salamat po sa mga magshare. Godbless.
Tags: , ,

About Filipino Worldwide Bloggers

(FBW) started as a Facebook group on November 1, 2011 as Filipino Bloggers Around the World. As the name implies, the purpose is to unite all Filipino Bloggers around the world.

2 comments

  1. Napaka-heartless naman na anak ng LEAH na yan. If I could turn back the clock I would definitely give every single second of my life just to spend time and take care of my dad. Nakakadurog ng puso.

  2. hi po maam/sir nkita ko po yang c mang terrado khpon nov. 8 dito s amin s marilao bulacan.. lakad din sya ng lakad hinahanap nmn nia ang kanyang kpatid n c gerardo terrado... dnala po nmin sya aming barangay ngunit wla po clang kwenta.. ni hnd po nla naicp n dlhin s pulisya.. kmi n dw ang mgdala sbi nla... pinaalis din po sya... ngptuloy nlng po sya s paglalakad..

Leave a Reply

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...